Programa Para sa Bagong Dating sa Canada – “New to Canada Program”

Nagawa mo na ang maglakbay sa Canada. Ngayon, hayaan mo ang Westoba Credit Union ang tumulong sa iyo upang makahanap ka ng bagong tahanan at ayusin ang iyong matagumpay na estadong pinansyal (financial success).

Mayroong tatlong (3) produkto na dinisenyo upang makatulong sa inyong matagumpay na simula sa Canada.

Kasama sa “New to Canada Program” ang tulong-pinansyal (mortgage) at iba pang produktong sadyang para sa bagong dating sa Canada at sa mga “expats” na nagbabalik sa Canada mula sa ibang bansa.

 

Ano ang kakaiba sa “New to Canada Program”?

1) Paghiram pambili ng bahay (mortgage)

Hindi pagbabasehan ang kita o suweldo upang pahiramin ang mga non-landed immigrants, bagong permanent residents o Canadian expats na nagbabalik sa Canada. Nangangahulugan, ikaw at iyong pamilya ay maaring magkakaroon ng bagong tahanan sa madaling panahon. Malaki ang tiwala ng Westoba sa kakayahan ng mga dumadating sa Manitoba upang maghanap-buhay o mag-aral man. Ginawa naming mas madali para sa mga bagong dating na matugunan ang mga pangangailangan sa pagbili ng bahay upang magsimula ng panibagong magandang buhay sa Canada. Kung ma-aaprubahan ka sa “New to Canada Program” ikaw ay magkakaroon ng:

2) Libreng “banking fee” (No fee banking)

Nauunawaan namin na ang pag-punta sa Canada ay nangangailangan ng malaking halaga o puhunan, at dahil dito sa loob ng isang (1) taon ay libre ang “banking fees” ng iyong “chequing account”. Pagkatapos ng 1 taon ay ililipat namin ang iyong chequing account sa WestobaONE Chequing na produkto.

3) Credit Card

Ang “credit history” ay napaka-importante sa Canada. Tutulungan ka naming patatagin ang iyong kredito sa pamamagitan ng pagbibigay ng “guaranteed approved credit card”.

Ano ang mga kailangan upang maging karapat-dapat sa “New to Canada Mortgage”?

  • Nanirahan sa Canada nang hindi hihigit sa tatlong (3) taon  at .
  • Mayroong Permanent Resident Card
  • Kung Canadian expat – nanirahan sa labas ng Canada nang hindi bababa sa tatlong (3) taon.
  • Kumuha ng “Life insurance” o kung mayroon nang life insurance maari itong i-assign.

Kung nais mo na bumili ng bahay, duplex, condominium o town home, ito ay nangangailangan na maging iyong pangunahing tahanan o “primary residence” at:

  • May pinakamababang paunang bayad (down payment) na 25% ng halaga ng bahay.
  • May “economic life” na hindi bababa sa 25 na taon.
  • Hindi hihigit sa $1,000,000.00 ang halaga ng bahay, at
  • Ang lokasyon ng “residential property” ay nasa loob ng 150 kilometro ng Winnipeg o Brandon, Manitoba at nararapat na nasa “in-demand” na area upang patuloy na tumataas ang presyo sa “market”.

Maaring mag-apply ng “New Construction Mortgage” and mga bagong dating sa Canada ayon sa mga sumusunod ng kondisyon:

  • Ang approval letter ay dapat nagsasaad na ang anumang overages ay kailangan ng pre-approval ng Westoba Credit Union.
  • Ang paunang bayad (down payment) na 25% ay dapat nakadeposito sa Westoba Credit Union at ipapadala sa “legal representative” kung hihingin.
  • Ang tahanan ay kumpleto na at maari nang tirahan (turn key build).
  • Ang “Progress Draw Mortgage” ay maaring ikonsidera ngunit kailangang matugunan ang mga nabanggit na mga kondisyon sa itaas at:
    • Ang paunang bayad (down payment) na 25% ay daragdagan ng 10% at idedeposito sa Westoba Credit Union. Ang karagdagang 10% ay ibabalik kung 100% ng kompleto ang bahay at napatunayang wala nang karagdagang gastos (cost overruns).

Kasama sa “no fee banking” ang mga transaksyon sa chequing account, hindi kasama ang ibang “service charges” ng ibang partikular na produkto at serbisyo ng Westoba. Ang “Home Equity Line of Credit” ay maaring gamitin ngunit base sa inaprubahang kredito o credit.

Pag-usapan natin kung papaano ka namin matutulungan upang maging bago mong tahanan ang Canada. Maaring tumawag sa 1-877-WESTOBA o mag-book ng appointment ngayon.

Related News